Friday, August 28, 2009

UFC 102 Sabay Sa Uso?

Ito ay isang post blog tungkol sa UFC 102. Simula sa mga unang events palang ng UFC ay nanonood na ako nito. Naabutan ko pa ang UFC na wala pang gloves at talaga namang duguan ang mga naglalaro dito. Talagang bakbakan at walang patawad. Ang mga naalala kong mga Ultimate fighting Champions noon ay sila Royce Gracie, Ken Shamrock, at si Russian Bear, Taktarov.

Marami na ngang pagbabago sa UFC ngayon at sa August 29 ay meron na naman UFC event at ito ay gaganapin sa Oregon. Ngunit, wala ako ngayon sa Estados Unidos at hindi ito mapapanood ng Live. Meron ka bang alam kung san ko pwede mapanood ang UFC 102 Couture vs Nogueira Fight Live Online Free o libre? maraming websites ang alam kong nag aalok nito dahil ito ay bayad ng kani-kanilang sponsors, pero kung meron man kayong alam na site, pwedeng ipaalam sa comment section sa ilalim nitong post na ito. Salamat.

Ito nga pala ang isang post na sa tingin ko ay may UFC 102 Live Stream Free na inpormasyon. Pwede mo itong bisitahin at tignan.

Matagal na rin itong Nabakante

Sa sobrang dami kong ginawa sa halos isang taon, muntik ko nang maabandona itong blog na ito. Ang pagblog sa wikang tagalog ay aking isang pamamaraan upang hasain ang wikang Filipino at ipahiwatig sa buong mundo na ang wikang Filipino ay buhay na buhay.

Tignan nalang natin kung itong blog na ito ay mahal pa din ng kanyang host. Salamat Google.
Posted by Movie Junkie at 10:36 PM | 1 comments  
Labels:
Monday, October 13, 2008

Mahigit Isang Buwan

Mahigit isang buwan akong hindi nakasulat dito sa blog kong tagalog. Nakakatuwa naman at meron pa rin akong tagalog na blog na pwede kong paglipatan ng aking mga nasaisip. Eto ang maganda sa tagalog eh, mabilis magisip at makapag type.

Sobrang dami lang talaga akong ginawa at maraming projects na kailangan asikasuhin kaya eto, ngayon lang nakapag sulat. Mejo madami na rin akong blogs, mapa-propesyonal na pinagkakakitaan at blog na pang personal. Isa na rin ito sa mga iyon.

Babawi ako!
Sa mga susunod na araw, kapag ako talaga ay nagkaroon ng oras, babawi ako dito sa blog na ito at itry nang ipromote.

Nga pala, kaya na ni gugel itranslate itong tagalong kong blog sa ingles. Halaaaa! :D
Posted by Movie Junkie at 3:25 PM | 0 comments  
Labels:
Wednesday, September 3, 2008

test

testing manicposts
Posted by Movie Junkie at 5:20 PM | 0 comments  
Labels:
Saturday, August 30, 2008

Ang Sinalihang kong Contest

Naalala mo bang may sinalihan akong isang contest tungkol sa seo o search engine optimization. Ang keyword na dapat kong i-optimize ay ang Cebu SEO Contest. Marami nang nangyari sa kompetition na ito at masasabi kong mejo nawalan ako ng gana. Hindi dahil sa tlagang tinatamad ako kung hindi, sa dami ng sumali, pati na mga magagaling ay pinatulan ang contest na ito. Sila ang mga batikan ika nga ng iba ngunit pinatos pa rin. haha hindi man lang naisip ang mga baguhan katulad ko.


Hindi naman kinakait ko ang mga nangyari, ito nga ay isang malaking pagsubok at handa akong isulong ang proyekto kong ito. Ang Cebu SEO Contest. Hindi ako sumusuko at hinding hindi ako papayag na nasa pangalawang pahina lang ako. Ang target ko ay ang kauna-unahang pwesto sa google serps o search engine results page.

Kaya naman..

Ito ulit ako, pagbubutihan at gagalingan. Gagawin lahat ng aking makakaya para lang umusad ang aking entry. syempre. "white hat" o sa mga tamang paraan lamang at hindi yung "black hat" na mejo unethical ang ginagawa.

Meron pa akong dalawang linggo bago matapos itong Cebu Seo Contest, Sana ako ang manalo at mapatunayan ko sa sarili ko na kaya ko ang pag optimize o pagbuhat ng mga keywords sa google serps.
Posted by Movie Junkie at 6:01 PM | 1 comments  
Labels: ,
Thursday, August 7, 2008

Ang Contest ng Isang taga Cebu

meron akong nasalihang contest tungkol sa seo o search engine optimization. Ito ay tungkol sa pag optimize ng salita o keyword na Cebu Seo Contest. Ito ay may premyo namang ay hindi ganon kalaki pero sa katulad ko, ito ay sapat na, hindi lamang dahil sa premyo kung hindi ay dahil sa mga experience at paglithala ng aking nalalaman. Sa isang katulad kong baguhan sa Seo, ito ay magandang pagsasanay upang hasain ang aking mga nalalaman. Medyo huli na nga ako nung nakasali. Ngunit, laking gulat ko nung makita ko na ang tinala ko ay nasa unang spot ng gugel. Ito ay magandang pangitaain na sana rin ay mag dire-direcho na. Mejo nahihilig na ako sa Seo na ito at sa tingin ko ay bumabalik na ang hirap ng ginawa kong pagsasanay, pagbabasa tungkol sa larangan na ito. Hanggat wala pa ako mashadong ginagawa at may mga hinihintay pa akong mga hindi ko control sa aking buhay, ito ay isang magandang pinagkakaabalahan na "productive" sa pang araw-araw.
Posted by Movie Junkie at 8:03 PM | 0 comments  
Labels:
Saturday, August 2, 2008

Pinagkakaabalahan

napakadami kong ginagawa sa mga nakalipas na araw na ito. Maraming kailangan asikasuhin katulad ng aking pag aaply sa aking lisensyang pang propesyonal. Inaayos ko din ang aking mga ibang blog sites na sa aking palagay ay nasa mabuti namang direksyon. Isa sa mga pinagkakaabalahan ko ngayon ay ang pagsali ko sa isang contest sa bansang UNITED KINGDOM. Ang isang seo o "search engine optimization" contest ay tinalagang magsimula ngayong lunes at ako ay nagmadaling mag rehistro sa kanilang website. Ang "keyword" sa naturingang contest ay ang kabonfootprint. Ang contest ay naghanda ng isang desenteng premyo at ito ay tumatanginting na $1,000. Ito ay hanggang oktubre kaya marami-raming panahon para matuto at magamit ang napagaralan. Syempre, hindi ko pa rin nakakalimutan ang aking tunay na layunin sa mga panahong ito, hindi ako nakakalimot sa kadahilanang ito ang aking magtatakda ng aking buhay o kinabukasan.

Kapag meron din kayong oras at mapadpad dito sa aking weblog, bisitahin nyo rin sana ang aking entry sa seo contest na ito na may keyword na kabonfootprint. Maraming salamat.
Posted by Movie Junkie at 4:57 PM | 0 comments  
Labels:
Subscribe to: Posts (Atom)