Friday, July 25, 2008

KapitanBlogger: Ang Tagalog na Blog

Ito ang aking simula ng aking pagtala sa wikang tagalog. Napakadami ng blog o journal diyan na nasa wikang ingles, naisipan ko, bakit hindi naman tagalog. Tutal ito naman ang ating pangunahing lenguahe. Ako din ay hindi ganoon kagaling sa wikang tagalog at ito na rin aking pagsasanay sa paghasa ng aking pagta-tagalog. Kaya ito na, Maligayang pagbabasa sa aking mga itatala dito.


Bakit kapitan blogger?! hindi ko rin alam! nakuha na lahat ng mga ibang naisip kong tagalog na pamagat eh. haha Sa Muling Pagsusulat.

Pahabal na salita: Nagpapasalamat ako sa pinsan kong si Sonny, na makapamahagi ng kanyang ideya sa aking pangalan.
Posted by Movie Junkie at 11:27 AM |  
Labels: ,

0 comments:

Subscribe to: Post Comments (Atom)