Friday, July 25, 2008

Kelangan ko ba ng VoIP headset?

Naghahanap ako ng VoIP headsets at ito ang aking nalaman. Marami akong nakitang impormasiyon tungkol sa VoIP headsets. Ang headset na ito ay ginagamit para sa maging comportable ang pakikipagusap ng isang tao sa telepono.

Ngayon ano ba ang VoIP?
Ang VoIP o voice over internet protocol naman ay isang uri ng serbisyo na ginagamit ng mga ibang indibidual upang makatipid sa gastos sa pakikipagusap sa isang taong wala sa bansa (pilipinas). Ito ay naiiba sa traditional na telephone service sa kadahilanan na ito ay gumagamit ng internet upang maka-connect sa kausap mo sa ibang bansa.

Ang Masasabi ko sa VoIP
Matagal na rin akong gumagamit ng VoIP at ako ay nasisiyahan sa pagamit nito. Marami akong kaibigan sa ibang bansa lalo na sa estados unidos at hindi naging hadlang ang pagiging malayo namin sa paguusap. Kaya kung kayo ay may kamag-anak sa ibang bansa, Subukan nyo itong serbisiyong ito at hindi kayo magsisisi sa pag gamit nito.
Posted by Movie Junkie at 3:11 PM |  
Labels:

0 comments:

Subscribe to: Post Comments (Atom)