Saturday, July 26, 2008

Pista ng Poon Santa Ana

Ngayong araw ay ginugunita ang celebrasyon ng Pist ng Poon Santa Ana sa TAGUIG. Pagkatapos magsimba ay didirecho kami sa aming mga tiyahin upang doon makisalo sa pagkain at paghagis ng mga pamigay sa pagoda. Oo, may pagoda. Ang bahay ng aming tiyahin ay nasa tabi ng ilog at mamayang mga alas-dos ng hapon ay dadaan ang mga pagoda upang makipag "palitan" ng mga prutas, mamisong chichirya. Meron din pakulo ang mga opisyales ng Taguig na magkakaroon ng salo-salo sa gitna ng daan ng mahigit kumulang dalawang kilometro. Medyo mahaba haba yoon.

Magta-tala nalang ako ulit sa mga nangyari sa kasiyahang ito at maglalagay din ng mga litrato upang lalong ninyong maunawaan. Sa susunod...
Posted by Movie Junkie at 11:18 AM |  
Labels:

0 comments:

Subscribe to: Post Comments (Atom)